aybee ([info]aybee) wrote,
  • Mood: happy

best christmas...pero may kulang....

this year was by far the best christmas i had. sobrang saya talaga pero hindi ako naging totally happy kasi nga alam kong ngayong pasko lang kaming hindi kumpleto as a family. si papa kasi wala. ang weird nga eh..nung nag-12am hindi man lang kami agad nagbatian ng merry christmas dito sa bahay dahil kausap ni mama si papa. after lang ng call kami kumain. nakakapanibago lang. tapos pagkakain at pagkaligpit, nagsitulugan na silang lahat. ako naman, as usual, nagtelebabad..hanggang alas singko ng umaga :) pagkagising tinatamad pa kumilos yung mga tao..hindi na nga kami nakapunta sa dapat namin pupuntahan kasi nga tinatamad kami. sabi nga ni mama, "parang hindi pasko noh"..wala lang..ang sad. pero nung start lang yun. papa wouldn't like it din naman if we didn't enjoy christmas just because he's not here.

ayun. reunion na. as usual andun kaming mga girls sa room ni krisca..pero nung may inuman na, pinababa na kami. kwentuhan, tawanan, giving of gifts, at siyempre..inuman :) hindi ko nga naubos yung isang bote kasi i promised na hindi ako mashado iinom na :D dahil kelangan namin magpresent sa giron reunion on friday, we had to practice. nabuhay nanaman ang kikiam band :P ayun. kantahan to the max..kami ba naman kasi naging bokalista. hehe. hindi nga lang namin memorized yung buong lyrics ng lahat ng kanta kaya wala kaming nabuong isang matinong kanta. sabi namin, medley nalang para masaya. hehe. nung mag-aalisan na yung mga tao, sabi ni ate cha, "tara starbucks tayo"...pinayagan naman kami agad..pasko eh :) so dahil marunong na magdrive ang halos lahat sa amin at yung isang pinsan ko ay may dalang kotse, pwede na kami magsarili :)

pinagkasya naming pito ang aming mga sarili sa honda civic ng pinsan ko. ang corny kasi pag naghiwalay pa ng sasakyan eh. ang sarap nung ganito..yung biglaan nalang magkakayayaan tapos matutuloy kasi nga biglaan :) naalala ko yung nag-gateway kami kasi natripan lang :) eto ang masarap sa buhay may kotse. buti nalang may sariling kotse si kuya cricket..wala kaming inaalala pati sa gas..at ginagawa pa namin siyang driver :)

pagdating namin sa starbucks, nakapila pa lang, ang ingay na namin :) si "santa" kasi chaka si "cham" hahaha :D nung una, nagpaplano kami ng gagawin nga sa reunion, tapos kung saan-saan na napunta ang usapan :) "powerpoint presentation nalang kasi eh.." hahaha ang kulet :D napa-reminisce pa kami sa mga pinagagagawa namin nung bata kami. sobrang laughtrip talaga :) hindi pa nga kami dapat aalis ng starbucks kung hindi lang sila magsasara na. nagdadabog na kasi yung mga naglilinis sa baba. sayang..kasama pa naman namin si santa. hehehe :)

dahil may pyro olympics mamaya, nagdesisyon kaming maghanap ng jollibee dahil dun daw makakabili ng tickets. pero dun sa unang jollibee na pinuntahan namin sarado kaya kung saan-saan na kami nakarating. nauwi sa roadtrip ang aming "quest for jollibee" :D nakakalungkot nga lang kasi lahat ng jollibee na nadaanan namin sarado. pasko kasi at alas-dose na ng madaling araw. dahil hindi namin nakita si jollibee, nagkayayaan pa sa tagaytay. papatayin na kami ng mga magulang namin pag dumiretso kami dun. pero sana next time matuloy :)

sa service road, may tatlong truck...dun na nag-umpisa ang todo sakit ng tiyan laughtrip sa kotse :D i wont elaborate on it nalang kasi hindi naman maiintindihan. basta masaya :) nakakapagod nga tumawa eh :) tapos nung bumibili pa si kuya cricket ng toothbrush, tinakas ni kuya yung kotse niya. muntikan na nga habulin ni kuya cricket nung nakita niya eh. nakakatawa. :D umikot lang naman kami tapos binalikan na namin siya :)

pagdating namin sa bahay nila kuya jp, tinamad na kami umuwi kaya kahit walang dalang pang-overnight, hindi nalang kami umuwi. nagkwentuhan at nag-attempt magpractice ng mga kanta.. :) as usual wala pa rin kaming mabuo kahit may lyrics na. umaga na kasi kaya sabog-sabog na. para nga kaming mga lasing eh..nalasing sa kape. haha labo. dahil wala na kaming napapala, napagdesisyunan na naming matulog.

 

haay..ang saya ng pasko. bonding with cousins..ang saya nga kasi ang close namin..parang barkada :) tapos may nagmamahal pa sa'kin..ang sarap ng feeling :)

 

sana nga lang andito si papa.


  • Post a new comment

    Error

  • 3 comments

[info]raphie

December 26 2005, 13:25:14 UTC 6 years ago

tapos may nagmamahal pa sa'kin..ang sarap ng feeling
naku! sino nanaman yan ha?

[info]ilpostina

December 28 2005, 08:59:34 UTC 6 years ago

nako ivy ah, boy or girl?

[info]chiquitita_

December 27 2005, 07:37:15 UTC 6 years ago

ganyan talaga eh, laging may kulang. turuan na lang ang sarili na maging masaya sa kabila ng mga kakulangang ito.

odibs?
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…